BIG THING: Higit sa pagiging isang mabuting pangulo, ay ang pagiging isang mabuting tao.

(From my Tumblr)

Narinig ko yan sa isang TV commercial.
Makes sense and that goes for EVERY leader and aspirig leader.

SA TOTOO LANG… Hindi ka naman talaga pwedeng maging mabuting pinuno kung hindi mo kayang maging mabuting tao. Oo, naniniwala akong may kabutihan sa bawat tao… pero hindi sa lahat ng oras, madaling piliin ang pagiging mabuting tao. At napakahirap, lalo sa isang naghihirap na bansa, ang magkaroon ng lider na hindi kayang pumili ng mabuting gawain sa “mas maraming” pagkakataon.

Tao lang tayo na nagkakamali. Pero sana maisip ng sinumang nais umupo, umuupo at mga nais muling umupo na hindi scratch paper ang mga dokumentong nakaharap sa kanila araw araw.
Ulit. Tao lang tayo na nagkakamali.
Pero may pagkakaiba rin kung minsan ang paggawa ng mali sa paggawa ng masama.
Kung ano ba talaga ang gusto kong tumbukin…hindi ko rin alam.

Basta ang alam ko, hindi pa man nagaganap ang halalan, may mga taong nagpaplano na para sa kampanya sa susunod na halalan.

Ganung kaaga. Ganung katagal ang plano para sa pagtakbo ng isang kandidato. Kung bakit pag nandyan na…parang wala man lang naiplano para sa nasasakupan.
Ganung kaaga. Ganung katagal.
Pero tayong mga botante… Gaanong katagal tayong nag-iisip ng lider na gusto nating iluklok?
Gaanong katagal kang nag-iisip kapag may pulitikong nag-aabot sayo ng pera?

Inuulit ko… napakahirap, lalo sa isang naghihirap na bansa ang magkaroon ng pinunong hindi kayang pumili ng mabuti sa “mas maraming” pagkakataon.

Kaya napakahirap kung meron tayong mga mamamayang hindi kayang maging mabuti para pumili ng tamang lider.

Kung sa mga oras na ‘to may mga nagpaplano na para sa susunod na eleksyon… Di ba, dapat tayo rin?

Isa pa.

Higit sa pagiging mabuting pangulo ang pagiging mabuting tao.
Ang mabuting tao, hindi nakikilala sa loob lang ng ilang buwan ng pangangampanya.
Subukan nating mag-isip.
Dahil higit sa pagkakaroon ng mabuting lider, ay ang pagkakaroon ng mabuting mamamayan.SA TOTOO LANG…

Advertisements

What can you say?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s